November 8th, 2008

Dito Ba?

o, dito ba?..

dito baaaaah? 

o, dito ba?

dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw?

mwehe.  walang magawa.  di makatulog.  kaya kumanta-kanta na lang ng kuh ledesma song.

o sha.

try ko ulit matulog.

Currently listening to: the hum of my ceiling fan
Currently reading: this entry, ano pa nga ba?
Currently watching: the starry skies outside my huge windows
Currently feeling: antok pero di makatulog
Posted by coucherdusoleil at 02:45 AM | 1 haka-haka

November 3rd, 2008

Tinamaan Ka Ng...

lintek talaga o.

(pero bago ang lahat, ang site na ito ay Rated R-18, kaya ang mga menor de edad dyan, tsupi, tsupi.  magsitulog na kayo.  i-shut down na ang pc or mac.)

siguro kung ang lola ko ay bata-bata pa at hindi pa sha bulag at bingi kagaya ngayon, sasabihin sa kin nun, "ikaw na lintek kang bata ka, isisigang ko sa gulugud mo yang lekat na kalokohan mo na yan!"

kalokohan... kalokohan talaga.

pero... ang alam ko, itong nararamdaman ko ay hindi kalokohan.  ako ba ay nabubulagan sa pagnanasa?.. sa tingin ko, hindi naman.  dahil kahit siguro hawakan niya lang ang kamay ko forever, solb na ko.  hindi ko kailangan ng sex... hmm... siguro mga once a week lang nman... joke, joke.

seriously, bog-bog-bog talaga itong nararamdaman ko to the highest level na itoh.  alam kong sobrang kakornihan kung ie-exaggerate ko pa at baka masuka sa sobrang pangingilabot ang mga bumabasa nito... pero totoo talaga, promise.  this is it, pancit!

hindi naman ako tanga.  alam ko naman na ang pag-ibig ay hindi "end-all" and "be-all" of things.  siguro nung unang panahon, nung wala pang ibang pinagkakaabalahanan ang mga tao kundi ang tumingala sa langit sa gabi at magsulat ng love letters sa umaga.  pero times have changed.  oo naman, kahit tru lab itoh, alam kong hindi ito ang sole purpose ko sa mundo.  logical pa rin ako.

pero shet.  ilang beses ko nang pinu-program ang sarili ko, at pina-praktis before sha bumalik ng bansa ang mga katagang, "hindi na", "ayoko na", "tama na", "tsupi!  shoo!  go away!"... sa wikang ingles at pranses.  pero, pero, isang liham niya lang, isang sulyap, at konting bola na may pasalubong daw sha sa kin... wala na.  laglag ang panty at pati na rin ang IQ at EQ ng lolah nyong garutay...

matatapos din ito, alam ko.  pero sana, nasa iisang piraso pa rin ako pagdating nung time na yun.  gudlak sa kin.

Currently listening to: Viva La Vida by Coldplay
Currently feeling: pathetic
Posted by coucherdusoleil at 11:16 PM | 1 haka-haka

October 25th, 2008

Sugat

makirot.

mahapdi.

masakit.

pero ngayon...

eto na sha.

tadaaaaa...

 

ang pangiiit.

Currently listening to: scar tissue
Currently feeling: ditzy
Posted by coucherdusoleil at 11:33 AM | palagay mo?

October 24th, 2008

a walk in the tundra

are we in siberia?

it's so frigging cold here in the office.

para kong nakatira sa loob ng igloo.

at lalo ko tuloy sha nami-miss.

nasa bansa ng mga sakang sha ngayon.

miss na miss na miss na miss ko sha.  sa totoo lang.

mahirap pala pag dalawang linggo sha mawawala.

di bale, sang linggo na lang after nito.

makikita ko na sha ulet.

shet.

ibang level na ng pagka-miss itoh.

take a deep breath, R.

Posted by coucherdusoleil at 02:04 PM | palagay mo?

October 15th, 2008

Is It True

i know it's true love because i just want him to be happy... not necessarily with me.

ito ang totoong pag-ibig -- yung kaya mo shang pakawalan at hayaan kung saan sha masaya.

at kapag nadiskubre mo ito, hindi ka makakadama ng kalungkutan kasi kapag pag-ibig ang ibinigay mo, pag-ibig din ang babalik sa yo.

gets?

p.s.

birthday ko pala ngayon.  aiyoooh!

Currently listening to: True by Spandau Ballet
Currently watching: Vicky Cristina Barcelona
Currently feeling: songeuse
Posted by coucherdusoleil at 04:23 PM | 2 haka-haka

October 7th, 2008

mansanas ni eba

ako po ay isang mac user.  this is the first time in months that i'm using another laptop.  and i'm glad it's not mine.  it's my sister's.  i'm glad i'm using this laptop right now because it made me appreciate my Macbook Pro more.

it's not just gorgeous.  the keyboard is much gentler on the fingers.  and it even illuminates when the surroundings get dark.  cute noh.

sori ah.  naaaliw lang talaga ko sa macbook ko.  ang ganda kasi talaga.  kagaya ko.  and i still haven't gotten over how gorgeous it is even after almost a year of having it with me. 

wow.  malapit na pala ang birthday niya. 

pero mas malapit na ang birthday ko.

aiyooh!

Posted by coucherdusoleil at 02:16 PM | palagay mo?

October 5th, 2008

je suis triste

nararamdaman ko na naman ang lungkot.  pero this time, gusto kong labanan.  gusto kong ipaglaban ang karapatan kong maging maligaya.  ayoko nang malungkot sa totoo lang.  sawang-sawa na ko.  buong buhay ko, 90% of the time yata malungkot ako.  at naging sobrang komportable na nga ako sa lungkot.  pero ayoko na.


this time, gagawin ko na ang lahat para maging maligaya.  hindi ko na ididepende sa ibang tao ang ikaliligaya ko.  sobrang undependable at unreliable ng ibang tao, alam nyo ba yun?  at ayoko namang maging manipulative para gawin nila ang gusto ko at paligayahin ako.

at pag inisip mo ito, mare-realize mo na mahirap talagang makipag-relasyon.  dahil laging merong isa na magbibigay nang MAS kesa sa isa.  at merong isang madi-disappoint lagi.  at merong isang magiging sobrang spoiled.  at merong isa o dalawang iiyak at masasaktan sa bandang huli.

ang hirap.

sasabihin ng iba, "hindi mo pa lang talaga nakikita ang nararapat para sa yo."

bullshit yan.

sobrang kabullshitan na nakuha ng kung sinong tanga sa panonood ng mga walang kwentang pelikula tungkol sa romansa.  at na-acquire naman ng sunud-sunod na tanga na ikinalat sa buong mundo na puno ng mga taong tangang katulad ko.

in short, bitter ako.  bitter.

pero hindi ko ipapakita.

at hindi ko aaminin.

nunca!

Posted by coucherdusoleil at 11:46 PM | palagay mo?

September 18th, 2008

nakakalokah!

aaaarrrgh! nakakaloka talaga. para akong nakikipagrelasyon sa isang sampung taong gulang na batang munti. maloloka ko. ano ba itong pinasok ko na itoh? the other night was so fucking full of drama. pero at least, napagtanto ko na may malalim na damdamin din sha sa kin. hindi ako nagpapantasya. abangan ang susunod na kabanata. haaaayyyy...
Posted by coucherdusoleil at 11:48 AM | palagay mo?
« Newer | »